Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya







Kolonyalismo

Ang Kolonyalismo ay ang tuwirang pananakop ng isang bansa sa iba pa upang kanilang mapagsamantalahan ang ang mga yaman nito o makuha ang iba pang pangangailangan ng mangongolonya. " Maaring magsilbing baseng pangkalakal o pangmilitar ang kolonya.

Imperyalismo


 Ang Imperyalismo ay batas o paraan ng pamamahala
 kung saan ang malalaki o makapangyarihang bansa ang
 naghahangad upang palawkin ang kanilang   kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakp o   paglulunsad ng mga pagtaban o kontrol na   pangkabuhayan at pampolitilka sa ibabaw ng mga   bansa. Ilang malalaki o malalakas na mga bansang   kumokontrol sa ibang mga rehiyon upang makalikha   ng isang mas malaking imperyo.

Nasyonalismo

Ang Nasyonalismo ay ang pagmamahal ng mga mamamayan sa kani-kanilang mga bayan o bansa. Ito ay isang kamalayan sa lahi na nag uugat sa pagkakaroon ng isang relihiyon , wika , kultura , kasaysayan at pagpapahalaga.

MGA KATANUNGAN


TANONG: Ano ang iyong ideya tungkol sa Nasyonalismo? Paano masasabing nasyonalista ang isang tao? 

KASAGUTAN: Nasyonalista ang isang tao kung nakikita sakanya ang tunay na pagmamahal sa kanyang bansa ngunit sa isang banda para naman sa mga kanluranin o Europeo ang nasyonalismo ay manakop at " tumulong ' sa mga taong nangangailangan ng gabay sa aspektong politikal , ekonomiko, at kultural sa pananaw ng mga asyano ito ay imperyalismo.

KATANUNGAN:Bakit mahalaga ang nasyonalismo sa pagpapaunlad at pagpapanatili ng kultura ng isang bansa?

KASAGUTAN : Nasyonalismo , ang pagibig na nag-aalab para sa bansa, mahalaga ito sa pagpapayabong at pagpapanatili ng kultura ng bansa sapagkat ng dahil rito ay may kakayahan tayong maipagmalaki ang sariling kariktan ng ating bansang Pilipinas , kung wala ito ay isang pagmamayabang lamang at pagpapakitang tao ang iyong pagsaludo sa ating bansa.


KATANUNGAN : Makipanayam sa mga kamag-aral , kaibigan o kasama sa bahay tungkol sa kanilang ideya ng damdaming makabansa. Ano ang kanilang pananaw tungkol dito.

KASAGUTAN: Ang damdaming makabansa ay importante para sa mga mamamayan na katulad natin , lalong lalo na ang mga batang katulad ninyo. Ang damdaming makabansa ay tumtukoy sa pagkakaroon ng nasyonalismo sa bansa mo . Bilang isang mamamayan gagawin mo ang lahat para sa iyong bansa o bayan at ito ay ang tinatawag nating damdaming makabansa.  Maaring maging iba iba ang pananaw ng ibang mga tao dito , sapagkat sa aking opinyon alam kong magiging mahalaga ang pagkakaroon ng damdaming makabansa upang maipagmalaki at maipagyabong natin ito.


KATANUNGAN : Kung ang ating bansa ay magkakaroon ng nmaraming mga pilipino na may damdaming kagaya ng sa iyo, ano ang magiging epekto nito sa ating bansa.

KASAGUTAN : Kung lahat ng mga pilipino sa ating bansa ay kagayo ko , mas magiging maunlad ito, mas magiging maayos at disiplinado ang aking bayan dahil ako naman ay isang edukadong mamamayan ng ating bansa , isa narin ako sa mga naging role model ng isang disiplinadong mamamayan. Makakatulong ito sa aking pagiging edukadong mamamayan ng ating bansa.


KATANUNGAN : Ano-ano ang mga magagawa ng mga programang pang-edukasyon sa pagpapanatili ng damdaming makabansa upang mapanatili at napaunlad ang ating kultura?

KASAGUTAN : Ang modernong prograang pang-edukasyon ay nakaktulong dahil ito ay makakatulong sa pagpapadali ng pamumuhay ng mga tao . Sa pag-aaral at pagpasok sa paaralan malaking parte nito na napapanatili ang damdaming makabansa at pagpapaunlad ng kultura dahil ang programang pangeduasyon na ito ay makakatulong sa disipline na kailangan ng mga tao upang mapalaganap ang nasyonalismo sa kani-kanilang mga bansa.

SANAYSAY : 

Sa bawat tanong na nakatala sa itaas may katumbas na itong mga kasagutan. Mayroon limang tanong na ibat-ibang tao ang nagsagot. Ang iba dito ay mula sa aking mga dating kaklse , kaibigan at mga kapamilya at kasama sa bahay. Sa unang tanong nakatala ang ideya mo sa nasyonalismo. Base sa naging sagot ang ideya niya sa nasyonalismo ay ang nasyonalismo ay ang  pagmamahal ng isang mamamayan sa kanyang bansa. Kasama na din dito ang nasyonalista na siayng tunay na nagmamahal sa kanyang bansa. Sa ikalawang tanong naman ay patungkol sa importansya ng nasyonalismo sa pagpapaunlad at pagpapanatili ng kultura ng isang bansa.

Sa naging sagot sa pangalawang tanong ito ay nangangahulugan na mahalaga ang nasyonalismo sapagka itoa ang nagpapayabong at nagpapanatili ng kultura ng isang bansa sapagkat ng dahil rito ay may kakayahan tayong mapagalaki ang ating bansa. Sa iktlong tanong nakasaad dito na, ano ba ang ideya ng ating mga kapamilya o kaibigan sa damdaming makabansa, sa naging sagot ang pagkakaroon  ng damdaming makabansa ay isang senyales na ang mamamayan na ito ay isang nasyonalista. Ang damdaming makabansa ay tumutukoy sa kakahayan ng isang tao na maipaglaban at maipagmalaki ang sarili nilang bansa.

Ang damdaming pambansa ay napakahalagang salik sa pagkakaroon ng nasyonalismo bilang isang pilipino at bilang isang mamamayan ng ating bansa. Nabanggit sa tanong na maaring maging iba-iba ang pananaw ng mga tao dito sapagkat , hindi naman lahat ng tao ay kayang maipagmalaki at maipaglaban ang kanilang bansa. Hindi lahat ng tao ay matapang upang lumaban ngunit nainiwala ako na ang mga pilipino ay kakayaning maipagmalaki ang ating bansa sa maganda at tamang pamamaraan. Sa ikaapat na tanong naman, nakasaad na kung ang ating bansa ay mayroong paguugali at damdamin na katulad ng isang tao, ano ang maaring maging epekto nito sa ating bansa?

Base sa naging sagot , magiging mahalaga na ang isang tao ay edukado at mayroong dipsiplina. Magiging malaking tulong ang pagkakaroon  ng mabuting loob , magandang pananaw at positibong tingin sapagkat, malaki ang magiging epekto nito sa bansa. Ibat-iabng tao ibat-ibang ugali, kaya't dapat ang mga ugali ng pilipino ay maaayos. Sa ikalima at panghuling tanong, nakasaan naman dito ang maitutulong ng pang-edukasyon sa damdaming pambansa upang mapanatili at mapaulad ng ating kultura.

Base sa naging sagot sa panghuling tanong, makakatulong ang pang-edukasyon sa damdaming pambansa upang mapanatili at mapaunlad ang ating kultura sapagkat sa ating mga paaralan , tayo ay matututo sa pagiging isang pilipino na maaring makatulong sa damdamding pambansa. Ang mga natutunan nadin sa ating mga paaraln ang siya ring maaring nating magawa para sa damdaming pambansa. Ang Pang-edukasyon ay makakatulong sa paraan na kung saan may mga bagay na maituturo na naari nating gawin lalong lalo na sa pagsisimula ng nasyonalismo sa ating bansa.





GROUP 2 ( PEACE )
Ma Cecilia Paula Angela O.Peña
Leandra Lamud Mariano
Kevin A. Mastilero
Zandra Anghag
Geraly Ogdoc










Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito